^

Probinsiya

Mayor, 2 bodyguard patay sa ambush

-
ZAMBOANGA CITY – Dahil sa kagustuhang malipol ang mga naglipanang pirata sa karagatang sakop ng Zamboanga Sibugay ay napatay sa ambush ang isang alkalde at dalawa nitong alalay makaraang tambangan ng mga pirata sa karagatang sakop ng Barangay Talaib noong Huwebes ng umaga.

Idineklarang patay sa ospital si Payao Mayor Moises Araham at dalawa nitong alalay na hindi nabatid ang pangalan, samantala, sugatan din ang isang kasapi ng Civilian Armed Forced Geographical Unit (CAFGU).

Sa natanggap na ulat ni Police Chief Superintendent Reynaldo Varilla, Police Regional Office 9 (PRO) director, sakay ng bangkang-de-motor at nagpapatrolya si Mayor Araham kasama ang mga alalay sa karagatan na kanyang sakop dahil sa impormasyong nakalap na naglipana ang mga pirata sa karagatan.

Namataan ng grupo ni Mayor Araham ang dalawang bangkang-de-motor na may lulang mga armadong kalalakihan kaya nilapitan nila para arestuhin pero sinalubong sila ng sunod-sunod na putok hanggang sa magpalitan ng putok ang magkabilang panig.

Dito agad napuruhan si Mayor Araham at dalawang alalay pero napalubog ang isa sa dalawang bangka ng mga pirata.

Hindi naman nabatid kung may nasawi sa panig ng mga pirata dahil nagsitakas makaraang mamataang napalubog ng mga alalay ni Mayor Araham ang isa sa dalawang bangka.

Dinispatsa ng tropa ng militar ang kanilang helicopter gunship para tugisin ang mga nagsitakas na mga pirata na naghahasik ng kaguluhan sa bayan ng Payao.(Ulat nina Roel Pareño at Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY TALAIB

CIVILIAN ARMED FORCED GEOGRAPHICAL UNIT

JOY CANTOS

MAYOR ARAHAM

PAYAO MAYOR MOISES ARAHAM

POLICE CHIEF SUPERINTENDENT REYNALDO VARILLA

POLICE REGIONAL OFFICE

ROEL PARE

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with