^

Probinsiya

Ex-pulis na may kanser, nagbaril sa ulo

-
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Isang retiradong pulis na umano’y hindi nakayanan ang sakit na kanser matapos taningan ng doktor ng isang taon para mabuhay ang nagpasyang magbaril sa ulo kamakalawa ng gabi sa kanilang tahanan sa bayan ng Imus.

Ang biktima ay nakilalang si Robert Ramos, 44, may-asawa at nakatira sa 486 Gen. E. Topacio St., Barangay Poblacion 1.

Ayon sa report ni PO1 Jude Camitan, bandang alas-8:45 ng gabi nang matagpuan umano ang duguang bangkay ng biktima sa loob ng silid nito na may isang tama ng bala sa kanyang sentido.

Nakuha sa tabi ng bangkay ng biktima ang ginamit nitong kalibre 38 baril at isang empty shell.

May paniwala ang pulisya na hindi na umano nakayanan ng biktima ang sakit na kanser nito.(Ulat ni Cristina G. Timbang)

vuukle comment

AYON

BARANGAY POBLACION

CAVITE

CRISTINA G

ISANG

JUDE CAMITAN

NAKUHA

ROBERT RAMOS

TOPACIO ST.

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with