^

Probinsiya

2 suspect sa pagpaslang sa radio broadcaster timbog

-
Camp Nakar, Lucena City – Nadakip ng mga awtoridad ang dalawang kalalakihan na pinaghihinalaang sangkot sa madugong pamamaslang kay Apolinario "Polly’ Pobeda, Broadcaster ng DWTI radio station na nakabase sa Lucena na pinagbabaril noong nakalipas na Mayo 17 sa lungsod na ito.

Kinilala ni P/Supt. Danny Ramon Sionco, hepe ng Lucena City Police ang mga suspek na sina Eulogio alyas Eloy at kapatid nitong si Eric Patulay.

Ang magkapatid na Patulay ay sinampahan ng kasong kriminal matapos ang mga itong positibong kilalanin ng ilang testigo sa pagpaslang kay Pobeda.

Ayon kay Sionco ang magkapatid na suspek ay nasakote kahapon ng umaga sa hangganan ng Brgy. del Carmen at Sta. Catalina, Pagbilao, Quezon at nasamsam rin sa pag-iingat ng mga ito ang isang cal. 45 pistol at isang 9 MM pistol.

Nabatid na dalawa pang suspek na magkapatid namang sina Domingo at Manolito de la Cruz na naunang nasakote ng mga awtoridad ang pinalaya dahilan sa kakulangan ng matibay na ebidensiya laban sa mga ito.

Lumilitaw sa imbestigasyon na ang magkapatid na Patulay ay kapwa close-in bodyguard ni Lucena City Councilor Romano Talaga, anak ni Lucena City Mayor Ramon Talaga, isa sa mga pinararatangang mastermind sa pagpaslang kay Pobeda.

Magugunita na si Pobeda ay nasawi matapos pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan habang patungo sa radio station na pinagtatrabahuhan nito sa Brgy. Cotta ng lungsod na ito noong Mayo 17. (Ulat nina Celine Tutor at Tony Sandoval)

vuukle comment

BRGY

CAMP NAKAR

CELINE TUTOR

DANNY RAMON SIONCO

ERIC PATULAY

LUCENA CITY

LUCENA CITY COUNCILOR ROMANO TALAGA

LUCENA CITY MAYOR RAMON TALAGA

POBEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with