^

Probinsiya

12,338 sakong bigas na puslit nasabat

-
CAMP AGUINALDO – Umaabot sa 12, 338 sako ng bigas na pinaniniwalaang naipuslit ang nasabat ng mga awtoridad sa malaking bodega na pag-aari ng negosyanteng Tsinoy sa magkahiwalay na lugar sa Zamboanga City kamakalawa.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, sinalakay ng mga awtoridad ang bodega na pag-aari ni John Sy sa Mars Street, Porcentro, Tumaga, Zamboanga City bandang alas-9:20 ng umaga.

Nadiskubre ang 338 sako ng bigas at inaresto ang mga tauhan ni Sy hanggang sa kumanta ang ilang pahinante sa mga raiding team na mas may malaki pang bodega ng puslit na bigas sa Old Highway, Cadena de Amor St., Guiwan ng naturang lungsod.

Kaya sinalakay ang bodega na itinuro ng mga pahinante na naging sanhi para masabat ang may 12, 000 sako ng bigas na pinalalagay na hinihintay ng may-ari na tumaas ang presyo ng pagkain bago ilabas sa merkado.

Hindi naman nadakip ang may-ari at kasalukuyang tinutugis ng pulisya sa hindi binanggit na lugar. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AMOR ST.

CADENA

CAMP AGUINALDO

DANILO GARCIA

GUIWAN

JOHN SY

KAYA

MARS STREET

OLD HIGHWAY

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with