^

Probinsiya

10-anyos todas,3 grabe sa granada

-
COTABATAO CITY Isang sampung-taong gulang na batang lalaki ang iniulat na nasawi, samantala, tatlo pa nitong kalaro ang malubhang nasugatan makaraang sumabog ang napulot na rifle grenade sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao kahapon.

Halos magutay ang katawan ng biktimang si Dodong Dagadag dahil sa tama ng mga shrapnel sa iba’t ibang bahagi ng katawan, ayon kay Army Major Julieto Ando, tagapagsalita ng Army unit.

Samantala, ang nasa kritikal na kondisyon ay nakilalang sina Aladdin Dagadag, 10; Benzar Lumagan, 9 at Saddam Baluno, 8, na pawang nagtamo ng mga tama ng shrapnel sa katawan.

Sa inisyal na ulat ng pulisya kay Ando, aksidenteng napulot ng mga biktima ang rifle grenade na pinaniniwalaang naiwan ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sa pag-aakalang laruan ang rifle grenade ay masayang pinagpasa-pasahan hanggang aksidenteng mabitiwan at bumagsak sa lupa saka umalingawngaw ang malakas na putok.

At nang mapawi ang makapal na usok ay duguang nakabulagta ang mga biktima kaya’t mabilis namang dinala sa ospital, ngunit patay na si Dodong nang idating dito. Ang kanyang mga kalaro ay inoobserbahan pa. (Ulat ni John Unson)

vuukle comment

ALADDIN DAGADAG

ANDO

ARMY MAJOR JULIETO ANDO

BENZAR LUMAGAN

DATU PIANG

DODONG

DODONG DAGADAG

JOHN UNSON

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

SADDAM BALUNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with