^

Probinsiya

P53-M smuggled rice, nasabat

-
BATANGAS CITY Nasabat ng magkasanib na tauhan ng Philippine Coast Guard at Bureau of Customs (BOC) ang tangkang pagpupuslit sa P53 milyong halaga ng smuggled na bigas sa Batangas Port kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Capt. Alejandro Flora Jr., Coast Guard station commander, 93 containers ng pinaghihinalaang smuggled rice na may halagang P53 milyon ang nakumpiska na tangkang ipuslit sa Batangas Port lulan ng M/V Nossa Senora de Fatima ng Negros Navigation.

Sinabi ni Capt. Flora, galing umano ang barko na may lulang mga smuggled rice sa Polloc, Cotobato City at nakatakdang dumaong sa North Harbor pero biglang nagbago ng ruta at dumaong sa Batangas Port.

"Out of 93 container vans, 73 were positively identified as carrying smuggled rice with imported quality and only 50 containers were declared and 43 others were not based on the manifest," wika pa ni Flora.

Ayon naman sa kinatawan ng BOC sa nasabing Port, taliwas sa deklarasyon ang nilalaman ng mga container vans na dapat ay sardinas at mais ay pawang mga imported rice ang laman nito.

Ang consignee ng nasabing kontrabando ay ang Beri Farm, SCC farm at Agro farm na pinaniniwalaang mga bogus companies.

Kinumpiska ng BOC ang nasabing kontrabando at nakatakdang ipasubasta ito sa publiko. (Ulat ni Arnel Ozaeta)

vuukle comment

ALEJANDRO FLORA JR.

ARNEL OZAETA

AYON

BATANGAS PORT

BERI FARM

BUREAU OF CUSTOMS

CAPT

COAST GUARD

COTOBATO CITY

NEGROS NAVIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with