^

Probinsiya

Army major dinedo ng NPA

-
TACLOBAN CITY – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang Army major ng apat na hindi kilalang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang rebeldeng New People’s Army habang ang biktima ay nakatayo sa labas ng barberya sa Catarman, Samar kamakalawa.

Napuruhan sa ulo ang biktimang si Major Danilo Tejada Billion ng 803rd Infantry Brigade ng Philippine Army na nakabase sa Camp Sumuroy sa Catarman.

Samantala, tinamaan naman ng ligaw na bala ang dalawang sibilyang sina Flor Monica, guro sa elementarya sa Palapag at Rogelio Dones, isang pedicab drayber.

Napag-alaman sa ilang nakasaksi sa pangyayari na palakad na lumayo ang apat na rebelde na animo’y walang nangyari matapos isagawa ang krimen.

Sinabi naman ni P/Supt. Alberto Mendador, Northern Samar police director, base na rin sa nakalap nilang intelligence report na si Billion ay matagal ng pinupuntirya ng mga tauhan ng Rodante Urtal Command ng NPA dahil sa pagiging aktibo ng biktima sa operasyon laban sa makakaliwang kilusan. (Ulat ni Miriam Garcia Desacada)

vuukle comment

ALBERTO MENDADOR

CAMP SUMUROY

CATARMAN

FLOR MONICA

INFANTRY BRIGADE

MAJOR DANILO TEJADA BILLION

MIRIAM GARCIA DESACADA

NEW PEOPLE

NORTHERN SAMAR

PHILIPPINE ARMY

RODANTE URTAL COMMAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with