^

Probinsiya

Katiwala itinumba sa farm

-
SAN LEONARDO, Nueva Ecija – Isang katiwala sa farm ang iniulat na binaril at napatay ng mga hindi kilalang kalalakihan makaraang manlaban ang biktima habang dinudugas ang mga sasabunging manok sa Barangay Mallorca sa bayang ito kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ricarte S. Cabili, 33, ng Balagtas, Bulacan at stay-in worker sa farm na pag-aari ng pamilya Pestaño, samantala, ang mga maskaradong kalalakihan ay ninakaw ang 35 panabong na manok.

Sa ulat na isinumite kay P/Supt. Danilo Delos Santos, hepe ng pulisya sa bayang ito, naitala ang krimen dakong alas-3:20 ng gabi matapos na pasukin ng mga mandurugas ang kinaroroonan ng biktima at kasamang si Dennis Atienza.

Habang itinatali ang mga kamay ng dalawa ay nanlaban ang biktima kaya binaril, samantala, si Atienza naman ay nanahimik sa takot na patayin. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

ATIENZA

BALAGTAS

BARANGAY MALLORCA

BULACAN

CABILI

CHRISTIAN RYAN STA

DANILO DELOS SANTOS

DENNIS ATIENZA

NUEVA ECIJA

RICARTE S

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with