^

Probinsiya

Cong. Imee Marcos nag-public apology

-
Nagpalabas ng public apology kahapon si Ilocos Norte Representative Imelda "Imee" Marcos sa pamilya Fong makaraang masangkot ang kanyang anak sa naganap na rambulan noong Enero 1, 2003 na ikinasugat ng anak ni Dr. Ray Fong sa Boracay.

"I hereby apologize to the family of Mr. Fong sa naganap na pangyayari" ani Imee sa panayam ng DZBB radio.

Sa panayam ng naturang estasyon ng radyo kay Dr. Ray Fong, sinabi nito na naospital ang kanyang anak dahil sa naganap na rambulan sa pagitan ng grupo ng anak ni Rep. Imee Marcos na si Fernando Martin "Borgy" Marcos Manotoc, 19, laban sa grupo naman ni Reggie Fong.

Ang naganap na suntukan ng dalawang grupo ay naganap sa central island resort ng Boracay.

Sinabi pa ni Imee Marcos na pinagpapaliwanag niya ang kanyang anak at mga kasamang kaibigan sa naganap na pangyayari.

"What they did was sheer stupidity," dagdag pa ni Imee at nagsabi pa na naniniwala siya na hindi maaapektuhan ang kanilang kinabukasan.

Hindi naman magsasampa ng demanda si Dr. Fong laban kay Borgy na kilalang modelo mula sa sikat na kompanya ng damit.

Kinumpirma pa ni Imee na bagaman at ngayon lamang napaulat ang pangyayari ay matagal na silang nag-uusap ng pamilya Fong. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

BORACAY

BORGY

DR. FONG

DR. RAY FONG

FERNANDO MARTIN

FONG

ILOCOS NORTE REPRESENTATIVE IMELDA

IMEE

IMEE MARCOS

MALOU ESCUDERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with