^

Probinsiya

Bagets na bomb expert tiklo

-
CAMP SIONGCO, Maguindanao – Nalambat ng tropa ng militar ang isang 18-anyos na bomb expert ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) makaraang makasagupa ng mga kawal ang grupo ng rebelde sa hangganan ng Columbio, Sultan Kudarat at Tulunan, North Cotabato.

Si Samih Gandalibo na kasapi ng MILF’s 106th Brigade ay nasukol at boluntaryong sumuko makaraang matunugang iniwan siya ng kanyang mga kasamang rebelde sa naganap na isang oras na bakbakan.

Sinabi ni Army Major Julieto Ando, spokesman ng Army’s 6th Infantry Division na kinumpirma ni Gandalibo na aabot na sa 29 rebelde ang napapatay simula nang magsagupa ang magkalabang panig sa Barangay Polomolok, Columbio.

Ayon pa kay Ando na matagumpay namang naitaboy ang mga rebeldeng MILF sa inakupahang Sitio Marang, Blat, Lumuyan at Tabong sa bayang Columbio at Sitio Klingklong at Kanibong sa Tulunan.

Narekober ng militar mula sa inakupang sitio ng mga rebelde ay ang nagkalat na hindi nabatid na bilang ng B-40 anti tank rockets, 50 bala ng 40mm shoulder-fired grenade projectiles, medical supplies at sketches ng iba’t ibang establisimyento na pag-aari ng mga negosyante sa Central Mindanao.

Nabatid pa kay Ando na binigyan nila si Gandalibo ng saplot, pagkain at bitamina makaraang madiskubreng may low blood pressure na pinaniniwalaang may sakit na anemia. (Ulat ni John Unson)

vuukle comment

ANDO

ARMY MAJOR JULIETO ANDO

BARANGAY POLOMOLOK

CENTRAL MINDANAO

COLUMBIO

GANDALIBO

INFANTRY DIVISION

JOHN UNSON

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NORTH COTABATO

SI SAMIH GANDALIBO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with