^

Probinsiya

Maton tinagpas ang leeg

-
PITOGO, Quezon – Hindi umubra ang pagiging maton ng isang obrero na nanaga ng kainuman matapos na ito ay mapatay sa taga ng kapatid ng kanyang unang tinaga kamakalawa ng hapon sa Barangay Dulong Bayan sa bayang ito.

Halos humiwalay ang ulo sa leeg at nagmistulang karne ang katawan dahil sa dami ng tinamong taga ang biktimang si Reynante Pernia, 27, may-asawa at residente ng naturang barangay habang tumakas naman ang suspek na si Edgar Jovido.

Batay sa ulat, dakong alas-4 ng hapon habang nag-iinuman ang biktima at ang kapatid ng suspek na nakilalang si Binong Jovido at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla na lamang umanong nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa na humantong sa suntukan.

Dahil sa kilalang siga sa kanilang lugar ang biktima ay tinalo nito si Binong sa sukatan ng kamao at di pa ito nakuntento ay kinuha nito ang isang gulok sa tabi ng kanilang pinag-iinumang mesa at inundayan ng taga sa ulo ang huli.

Nang makita ng suspek ang ginawa ng biktima sa kanyang kapatid ay kumuha rin ng gulok at walang habas na pinagtataga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang maton na biktima hanggang sa ito ay mamatay.

Kasalukuyang ginagamot sa Bondo Peninsula District Hospital si Binong dahil sa malaking sugat sa ulo. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

BARANGAY DULONG BAYAN

BATAY

BINONG

BINONG JOVIDO

BONDO PENINSULA DISTRICT HOSPITAL

DAHIL

EDGAR JOVIDO

KASALUKUYANG

REYNANTE PERNIA

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with