^

Probinsiya

3 hambog hinagisan ng granada, grabe

-
Isang trahedya ang naging kapalit ng masayang pag-iinuman sa selebrasyon ng Pasko ng tatlong lalaki matapos na sila ay hagisan ng granada ng lalaking kainuman nila, kamakalawa sa lalawigan ng Abra.

Nasa kritikal na kondisyon sa Seares Medical Clinic ang mga biktimang sina Godofredo Peig, 49; Warte Peig, 27 at Omar Cabintoy, 19.

Naaresto naman ang suspek na si Renato Cabintoy.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ni Godofredo sa Sitio Sabangan, Brgy. Nagtupacan, Lagangilang, Abra.

Masayang nag-iinuman ang apat nang mag-umpisang magyabangan ang mga ito na nauwi sa mainitang pagtatalo. Napikon ang suspek at lumayo sa umpukan.

Nang makalayo isang granada ang kinuha nito sa kanyang dalang bag at inihagis sa loob ng bahay ng kanyang mga kainuman.

Mabilis na isinugod ang mga biktima sa nasabing pagamutan habang ang suspek ay mabilis na naaresto ng mga awtoridad. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ABRA

BATAY

CAMP CRAME

DANILO GARCIA

GODOFREDO PEIG

OMAR CABINTOY

RENATO CABINTOY

SEARES MEDICAL CLINIC

SITIO SABANGAN

WARTE PEIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with