^

Probinsiya

Bahay ng mayor niratrat, 1 patay

-
ZAMBOANGA CITY – Isa-katao ang kumpirmadong nasawi, samantala, nakaligtas naman sa tiyak na kamatayan ang alkalde ng Maluso makaraang ratratin ang bahay ng huli ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang tauhan ng isang municipal councilor noong Sabado ng gabi sa Barangay Aguada, Isabela City, Basilan.

Si Mayor Sakib Salajin ay mapalad na nakaligtas sa ginawang pagsalakay sa kanyang bahay ngunit ang malapit niyang kaanak na si Hadji Muin Kail ay napatay matapos na bistayin ang bahay ng mayor.

Sa isinumiteng ulat kay P/Sr. Insp. Gerry Bayabos, Basilan PNP operation chief, naganap ang pangyayari dakong alas-10 ng gabi na nagresulta upang magpulasan ang ilang residente na nagsasagawa ng dryrun para sa selebrasyon ng Basilan Day at inakalang sinalakay na sila ng grupo ng mga bandidong Abu Sayyaf.

Ayon sa inisyal na imbestigasyong nakalap ni Bayabos, nag-ugat ang pangyayari makaraang sampahan ng kaso ni Mayor Salajin ang isang konsehal na si Isri Bud na pinaniniwalaang gumawa ng hindi kanais-nais sa kanyang kaanak na babae.

Sinabi pa ni Bayabos na limang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga tauhan ni Bud ang nagtungo sa bahay ni Mayor Salajin.

Dito na nagpaulan ng sunud-sunod na putok ng baril ang mga hindi kilalang armadong kalalakihan ngunit gumanti naman ang mga bodyguard ni Mayor Salajin kaya nagsiatras ang mga armadong lalaki hanggang sa mahawi ang usok at duguang bumulagta si Kail. (Ulat ni Roel Pareño)

vuukle comment

ABU SAYYAF

BARANGAY AGUADA

BASILAN

BASILAN DAY

BAYABOS

GERRY BAYABOS

HADJI MUIN KAIL

ISABELA CITY

ISRI BUD

MAYOR SALAJIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with