^

Probinsiya

Guro patay sa sunog

-
CAMP OLIVAS, Pampanga Isang 57-anyos na guro ng Orion Central Elementary School ang iniulat na nasawi makaraang masunog ang kanyang bahay at naabo ang may P.3-milyong ari-arian sa Brgy. Villa Angeles, Bataan kamakalawa.

Natagpuan ng pulisya ang bangkay ni Myrna A. Pangilinan, may asawa, sa harapan ng pintuan ng kanyang kuwarto na pinalalagay na nagpupumilit na lumabas ngunit nakulong dahil sa makapal na usok.

Napag-alaman sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya na nagsimulang kumalat ang apoy mula sa sumiklab na Christmas light sa bintana at pinalalagay na mag-isang natutulog ang biktima kaya walang sumaklolong kasambahay. (Ulat ni Erickson Lovino)

vuukle comment

BRGY

ERICKSON LOVINO

ISANG

MYRNA A

NAPAG

NATAGPUAN

ORION CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL

PAMPANGA

PANGILINAN

VILLA ANGELES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with