^

Probinsiya

Pulis nag-suicide matapos patayin ang asawa

-
POLANGUI, Albay – Pinaniniwalaang matinding selos kaya pinagbabaril at napatay ng isang pulis ang kanyang sariling misis bago nag-suicide sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Matacon sa bayang ito kahapon ng umaga.

Si Yolanda Cerillo, 47, isang guro sa elementarya ay nagtamo ng maraming tama ng bala ng kalibre. 45 baril sa katawan, samantala, si SPO4 Asisclo Cerillo, 51, ng Intelligence and Investigation Division (IID) na nakabase sa Kampo Simeon Ola ay nagtamo ng bala sa ulo.

Base sa nakalap na impormasyon ng pulisya sa mga kapitbahay ng mag-asawa na bago maganap ang pangyayari ay narinig nilang nagtatalo ang dalawa.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na may kumakalat na balita na may kinalolokohang lalaki si misis at nakarating naman sa asawang pulis kaya kinompronta nito hanggang sa mauwi sa mainitang pagtatalo.

Nakarinig na lamang ng sunud-sunod na putok ang mga kapitbahay ng mag-asawa dakong alas-11:30 ng gabi saka nila inusisa matapos ang alingawngaw ng baril.

Duguang nakahandusay sa sahig ang mag-asawa na pawang wala ng buhay.

Pinalalagay ng mga imbestigador na matinding selos ang umiral sa mister na pulis kaya pinaslang ang kanyang misis bago nag-suicide. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

ALBAY

ASISCLO CERILLO

BARANGAY MATACON

DUGUANG

ED CASULLA

INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

KAMPO SIMEON OLA

NAKARINIG

NAPAG

SI YOLANDA CERILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with