^

Probinsiya

Barangay Chairman, sekretaryo patay sa ambus

-
TALAVERA, Nueva Ecija – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang barangay chairman at kasama nitong sekretaryo ng dalawang armadong hindi kilalang kalalakihan habang ang mga biktima ay bumabagtas sa kahabaan ng Rizal-Baler Road na sakop ng Barangay Homestead Uno sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Labinsiyam na tama ng bala ng armalite assault rifle ang tumapos sa buhay nina Barangay Chairman Romualdo N. Maranan, 56 at Brgy. Secretary Fedelito Nava, 46, kapwa may asawa at mga opisyal sa Barangay Baluga, Talavera, Nueva Ecija.

Sa isinumiteng ulat kay P/Chief Insp. Peter Torres, hepe ng pulisya sa bayang ito, kasalukuyang sakay ng owner-type jeep (PLT-923) ang dalawang biktima bandang alas-5 ng hapon nang tapatan sila ng mga killer sakay ng kotseng Nissan Sentra (NUK-616).

Ayon pa sa nakalap na impormasyon ni SPO1 Reynaldo Perez, kinawayan pa ng mga killer ang dalawa bago sunud-sunod na pinaputukan at mawalan ng kontrol ang minamanehong sasakyan hanggang sa tumigil bago sumalpok sa punong-kahoy.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pananambang at sinisilip ang anggulong may bahid ng pulitika. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

BARANGAY BALUGA

BARANGAY CHAIRMAN ROMUALDO N

BARANGAY HOMESTEAD UNO

CHIEF INSP

CHRISTIAN RYAN STA

NISSAN SENTRA

NUEVA ECIJA

PETER TORRES

REYNALDO PEREZ

RIZAL-BALER ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with