^

Probinsiya

Drug trader itinumba ng NPA

-
SORSOGON CITY – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang drug trader ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang biktima ay naglalakad sa kahabaan ng Barangay Abuyog sa lungsod na ito kahapon ng umaga.

Ang biktima na binistay ng bala ng kalibre 45 at 9mm baril ay nakilalang si Benjamin Lagamayo, 33, may asawa ng nabanggit na barangay, samantala, ang tatlong rebelde na pawang mga kabataan ay palakad na lumayo sa pinangyarihan ng krimen na animo’y walang naganap.

Napag-alaman sa nakalap na impormasyon ng pulisya na ang biktima ay binalaan ng mga rebelde na tumigil sa pagbebenta ng droga sa mga kabataang estudyante ngunit binabalewala nito ang pagbabanta.

Hindi rin matiyempuhan ng pulisya sa aktong nagbebenta ng droga ang suspek dahil halos lahat ng kapulisan sa naturang bayan ay kilala nito.

Dahil sa walang maglakas loob na istorbohin ang modus operandi ng suspek ay nagpasya na lamang ang mga rebelde na itumba si Lagamayo na isinagawa dakong alas-10 ng umaga. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY ABUYOG

BENJAMIN LAGAMAYO

DAHIL

ED CASULLA

LAGAMAYO

NAPAG

NEW PEOPLE

PINAGBABARIL

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with