^

Probinsiya

Chief security ng anak ng solon, tinodas

-
ORMOC CITY – Sa ikalawang pagkakataon ay hindi na nakaligtas kay kamatayan ang chief security ng anak ng solon makaraang tambangan ng hindi pa nakikilalang lalaki habang pumapasok sa tennis court na pinagdarausan ng diskuhan sa Barangay Danhug kamakalawa ng hatinggabi.

Si Romulo "Tatang" Guzman, 45, may asawa ay binaril sa likurang bahagi ng ulo na tumagos sa ilong na kaagad nitong ikinasawi. Samantala, ang killer na biglang naglaho sa dilim ay may ilang minuto nang inaabangan ang biktima na pumasok ng nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon ni SPO4 Rudy Sano, nagpaalam ang biktima sa kanyang misis na si Annabel dakong alas-7 ng gabi upang magpunta sa bahay ng kanyang among si Eufrocino Codilla Jr., anak ni Congressman Eufrocino Codilla Sr.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagtungo ang biktima sa naturang lugar at doon sinalubong ang kanyang kamatayan.

Ayon sa pulisya, si Guzman ay unang pinagbabaril ng tatlong hindi kilalang kalalakihan noong Hulyo 1, 2002 sa labas ng kanilang bahay ngunit naiwasan nito ang tiyak na kapahamakan.

Posibleng mahanay na naman ang pagpatay kay Guzman sa mga hindi nareresolbang kaso na kinabibilangan ng pananambang sa isang pulis sa loob ng sabungan, pagpatay sa isang pampasaherong van drayber at pamamaril na ikinasawi ng isang brgy. chairman may dalawang linggo pa lamang ang nakalilipas. (Ulat ni Roberto C. Dejon)

vuukle comment

ANNABEL

AYON

BARANGAY DANHUG

CONGRESSMAN EUFROCINO CODILLA SR.

DEJON

EUFROCINO CODILLA JR.

GUZMAN

ROBERTO C

RUDY SANO

SI ROMULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with