^

Probinsiya

Lola ginilitan ng lolo

-
NAIC, Cavite – Nagawang gilitan ng leeg at saksakin hanggang sa mapatay ang isang 62-anyos na lola ng kapitbahay na lolo matapos na pagnakawan kamakalawa ng umaga sa Brgy. Kanluran sa bayang ito.

Bandang alas-8 ng umaga kahapon nang matagpuan ng mga kapitbahay ang bangkay ni Enriquita Masikat, dressmaker, samantala, nadakip naman ang suspek na si Basillo Guzman, 63, sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ni P/Chief Insp. Reynaldo Galam, hepe ng pulisya sa bayang ito.

Nabatid sa nakalap na impormasyon ng pulisya na humihingi ng palugit na araw ang suspek sa inuupahan nitong bahay na pag-aari ng biktima.

Hindi naman pumayag ang biktima na ikinairita ng suspek kaya nagawang gilitan ng leeg saka sinaksak ng patalim sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

May teorya ang pulisya na pinagnakawan pa ang biktima dahil sa nawawala ang malaking halaga at dalawang bank book. (Ulat nina Cristina Go-Timbang/Mading Sarmiento)

vuukle comment

BANDANG

BASILLO GUZMAN

BRGY

CAVITE

CHIEF INSP

CRISTINA GO-TIMBANG

ENRIQUITA MASIKAT

KANLURAN

MADING SARMIENTO

REYNALDO GALAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with