Teller tinigok ng sekyu
June 25, 2002 | 12:00am
STO. TOMAS, Batangas Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagawang barilin at mapatay ang isang teller tollway exit ng isang guwardiya sa harap mismo ng kasamahang teller sa Brgy. San Rafael sa bayang ito.
Binawian ng buhay sa St. Cabrini Medical Center ang biktimang si Roland Largade, 23, binata ng Brgy. Pinagtungulan, Lipa City.
Samantala, ang suspek na mabilis tumakas ay nakilalang si Erwin Pido, 25 ng Brgy. Sta. Clara ng bayang ito.
Ayon sa pulisya, ang dalawa ay kapwa empleyado ng Star Tollway Company.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, kalalabas pa lamang ng biktima sa booth ng tollway exit bandang alas-11:30 ng gabi nang biglang harangin ng suspek sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa magbunot ng baril ang suspek at sunud-sunod na pinaputukan ang biktima, ayon pa sa ulat ng pulisya. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest