^

Probinsiya

9 kumidnap sa Koreano todas sa militar

-
Siyam na miyembro ng kilabot na Pentagon kidnap-for-ransom gang na pinaniniwalaang dumukot sa negosyanteng Koreano ang kumpirmadong napatay, samantala, limang kawal ang nasugatan sa naganap na madugong sagupaan sa katimugang bahagi ng Mindanao na ikinasawi rin ng dalawang sundalo, ayon sa ulat ng militar kamakalawa.

Sa pahayag ni Major Julieto Ando, Army’s Spokesman, sumiklab ang sagupaan malapit sa bayan ng Maguindanao noong Martes ng hapon laban sa tinatayang aabot sa apatnapung armadong miyembro ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na tinaguriang "Pentagon".

Nabatid sa ulat ng militar, namataan ng ilang residente na may mga armadong kalalakihan ang naglalakad sa kanilang barangay malapit sa nabanggit na bayan kaya kaagad nilang ipinagbigay alam sa pinakamalapit na kampo ng militar.

Sinabi pa ni Ando na mabilis naman nagresponde ang tropa ng militar upang beripikahin ang natanggap na impormasyon ngunit hindi pa sila nakalalapit sa itinurong lugar ay sunud-sunod na putok ang sumalubong sa kanila.

Gumanti naman ng putok ang tropa ng militar laban sa mga rebelde hanggang sa mapatay ang siyam na kasapi ng kidnap-for-ransom gang at ikinasawi naman ng dalawang sundalo.

"Ang nakasagupa ng militar ay lost command ng MILF at responsable sa pag-kidnap sa negosyanteng Koreano partikular na ang isang Chinese engineer at Italyanong pari na si Giuseppe Pierantoni", ani Ando.

Kasalukuyan pang hawak ng iba pang rebelde ang negosyanteng Koreano na si Yoon Jae-Kun simula pa noong Pebrero 6, 2002.(Ulat ni Boyet Jubelag)

vuukle comment

ANDO

BOYET JUBELAG

GIUSEPPE PIERANTONI

GUMANTI

ITALYANONG

KASALUKUYAN

KOREANO

MAJOR JULIETO ANDO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

YOON JAE-KUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with