^

Probinsiya

Nene hinalay ng sikyu

-
LUCENA CITY Maagang napariwa ang kinabukasan ng isang 8 anyos na batang babae matapos na ito ay pagsamantalahan ng isang security guard sa loob ng warehouse na binabantayan ng suspek sa Brgy. Ibabang Dupay sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na ngayo’y nasa pangangalaga ng DSWD ay itinago sa pangalang Aileen, na residente ng naturang lugar, samantalang ang suspek na ngayon ay nakakulong sa City Jail ay nakilalang si Arnulfo Garate, 27, may asawa, residente ng Purok Sta. Mesa, Brgy. Dalahican at empleyado ng Titan Security Agency.

Ayon sa salaysay ng biktima sa Womens Desk Section na dakong alas-2:00 ng hapon ay naglalaro siya sa labas ng warehouse na binabantayan ng suspek at pagkaraan ay tinawag at umano’y bibigyan ng kendi.

Palibhasa hindi kilala ay di lumapit ang biktima subalit ang suspek na mismo ang nagtungo sa kinaroroonan ng bata at tinutukan ito ng baril at pakaladkad na dinala sa loob ng warehouse at doon pinagsamantalahan ang biktima.

Nang makatakbo ang bata ay mabilis itong nagsumbong sa kanyang lola at isinumbong ang ginawang panghahalay sa kanya ng suspek na nagresulta ng pagkakadakip nito. (Tony Sandoval)

vuukle comment

AILEEN

ARNULFO GARATE

AYON

BRGY

CITY JAIL

IBABANG DUPAY

PUROK STA

TITAN SECURITY AGENCY

TONY SANDOVAL

WOMENS DESK SECTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with