5 katao grabe sa granada

Lima katao ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang masabugan nang inihagis na granada ng isang adik na binatilyo habang ang mga biktima ay nag-aabang ng masasakyan sa Purok Paghidaet, Brgy. Mansilangan, Bacolod City kamakalawa ng hapon.

Ang mga biktima na ngayon ay nasa Sanitarium Hospital ay nakilalang sina Anescano dela Cruz, 17; Domingo Mahinay, 9; Solima Cadaya, 45; Ronnie Antiquin 32 at isa na bineberipika pa ang pangalan.

Samantala, ang suspek na ngayon ay sinisiyasat ay naki

lalang si Nadane F. Jalandoni, 16 ng Fuentevilla Subd., Brgy. Taguin sa naturang lungsod.

Sa nakarating na ulat mula sa Camp Crame, naganap ang pangyayari dakong alas-4:30 ng hapon na pinalalagay na lango sa droga ang suspek kaya napagtripang ihagis ang granada. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments