^

Probinsiya

2 ina tinodas ng sariling mga anak

-
Dalawang ina ang naiulat na napatay ng kanilang mga sariling anak sa magkahiwalay na lalawigan kamakalawa.

Ang unang biktima ay nakilalang si Alejandra Pacis, 77, biyuda, ng Brgy. San Antonio, San Jose, Camarines Sur na pinatay ng kanyang anak na si Milagros, 44, may-asawa.

Sa ulat ng pulisya, na dakong alas-4:30 ng madaling araw ay mahimbing na natutulog ang biktima nang ito ay undayan ng mga saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan na agad nitong ikinamatay.

Walang namang masabi ang suspek kung bakit nito pinatay ang ina.

Samantala, ang ikalawang pangyayari ay naganap dakong alas-12:45 ng hatinggabi sa Pontevedra, Capiz at dito ay napatay ng suspek na si Ronito Albadejo, 31, ang ina nitong si Ferriliza, 46.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, na ang insidente ay naganap sa bakuran ng pamilya Albadejo na nasa Sitio Buta,Brgy. Julongalog ng nasabing bayan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na naalimpungatan umano ang suspek sa mga narinig nitong kaluskos sa kanilang bakuran kaya’t dali-dali itong bumangon.

Kinuha nito ang nakatagong baril dahil sa inakala nitong may nakapasok na magnanakaw sa kanilang bakuran.

Dahan-dahang lumabas ng silid ang suspek sabay kasa ng baril at nang makita ang biktima na tumatakbo kaya’t kanyang pinaputukan at tinamaan sa dibdib.

Nang buksan nito ang ilaw sa bakuran ay doon tumambad sa kanya ang duguang katawan ng ina.

Mabilis nitong isinugod ang ina sa pagamutan subalit namatay din ito habang ginagamot sa St. Anthony Hospital.

Ang dalawang suspek ay kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya at nakatakdang kasuhan ng parricide. (Ulat nina Ed Casulla at Joy Cantos)

vuukle comment

ALEJANDRA PACIS

BRGY

CAMARINES SUR

CAMP CRAME

ED CASULLA

JOY CANTOS

RONITO ALBADEJO

SAN ANTONIO

SAN JOSE

SITIO BUTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with