^

Probinsiya

CAFGU patay sa NPA rebels

-
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang hindi kilalang armadong kalalakihan na nagpakilalang miyembro ng hit squad ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang tauhan ng Cafgu Active Auxilliary (CAA) sa Padre Garcia, Batangas, kamakalawa.

Ang biktima ay kinilalang si CAA Felix Dimaculangan, kasapi ng Cafgu sa ilalim ng 20th Special Forces Company (SFC) ng Phil. Army na nakabase sa Brgy. Puting Kahoy, Rosario ng nasabing lalawigan.

Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, bandang ala-1:35 ng hapon habang ang biktima ay nakaupo sa waiting shed ng Brgy. Cawongan sa bayan ng Padre Garcia ng maganap ang pananambang.

Mabilis namang tumakas ang dalawang suspek at kinomander ang isang pampasaherong jeepney na may plakang DZA-969 na minamaneho ni Ireneo Silva na tumahak patungo sa direksiyon ng Rosario, Batangas.

Bago umano tuluyang tumalilis ang mga suspek ay tatlo pang armadong kasamahan ng mga ito na nagsilbing lookout ang sumama sa kanila sa pagtakas na sumigaw pa ng "Huwag kayong makialam mga NPA kami." (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BATANGAS

BRGY

CAFGU ACTIVE AUXILLIARY

CAMP CRAME

FELIX DIMACULANGAN

IRENEO SILVA

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

PADRE GARCIA

PUTING KAHOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with