^

Probinsiya

Misis naaktuhan ni mister

-
RODRIGUEZ, Rizal – Dobleng kamalasan ang inabot ng isang mister na sa halip na siya ang makapatay dahil sa galit matapos na mahuli sa aktong nakikipagtalik ang kanyang misis sa ibang lalaki, naunahan pa siyang masaksak ng kalaguyo ng kanyang misis, kamakalawa ng gabi sa lungsod na ito.

Rehas na bakal ngayon ang hinihimas ng magkaulayaw na sina Eva Baldago, 31 may asawa at residente ng Kasiglahan Village, Brgy. San Jose at Pepito Cervantes, Jr., 22, kapitbahay nila.

Nagpapagamot naman sa loob ng Rodriguez Municipal Hospital ang biktimang si Romeo Baldago, 35, tindero na nagtamo ng isang tama ng saksak ng ice pick sa kanyang braso.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na umuwi umano ng maaga si Baldago dakong alas-5:30 ng hapon upang kumpirmahin ang napapabalitang may karelasyong ibang lalaki ang asawa.

Dito niya nakumpirma na ang kanyang asawa ay may kalaguyo dahil sa naaktuhan itong nakikipagtalik sa loob ng kanilang kuwarto. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BALDAGO

DANILO GARCIA

EVA BALDAGO

KASIGLAHAN VILLAGE

PEPITO CERVANTES

RODRIGUEZ MUNICIPAL HOSPITAL

ROMEO BALDAGO

SAN JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with