^

Probinsiya

Bahay ng mayor niratrat ng MILF rebels

-
Pinaulanan ng bala ng mga armadong kalalakihang miyembro ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang bahay ng isang bagong halal na alkalde sa bayan ng Ditsaan Ramain, Lanao del Sur, kamakalawa.

Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, ang pamamaril ay pinaniniwalaan bilang protesta ni Ditsaan Ramain Mayor Serad Ali Batua.

Napag-alaman na dakong ala-1:30 ng madaling araw ng bigla na lamang ratratin ng mga suspek ang bahay ni Batua sa bisinidad ng Brgy. Pagalungan ng nasabing bayan.

Mabilis na nakadapa si Batua at mga kasambahay nito matapos ang sunud-sunod na putok partikular na sa direksiyon ng silid ng nasabing lokal opisyal.

Nabatid pa na bago pa man mag-eleksiyon ay nagpahayag na ng pagtutol ang grupo ng MILF rebels sa nasabing lugar laban kay Batua para mamuno sa Ditsaan Ramain.

Masuwerte namang nakaligtas ang target na alkalde at wala rin ni isa man sa pamilya nito ang nasawi o nasugatan sa insidente. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BATAY

BATUA

BRGY

CAMP CRAME

DITSAAN RAMAIN

DITSAAN RAMAIN MAYOR SERAD ALI BATUA

JOY CANTOS

LANAO

MABILIS

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with