^

Probinsiya

Inakalang iniwan ng misis, mister nagpakamatay

-
Isang German national ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo dahil sa pag-aakalang tuluyan na siyang iniwanan ng kanyang misis kamakalawa ng kahapon sa bayan ng Moalboal, Cebu City.

Kinilala ng pulisya ang nag-suicide na Aleman na si Heinrich Schutz, 58, ng naturang lugar.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong ala-1:30 ng hapon bago naganap ang pangyayari ay nagkaroon muna ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa dahil sa selos na may ibang lalaki ang misis ng biktima.

Nagawang sakalin ng biktima ang kanyang misis subalit nakapiglas ito at mabilis na lumabas ng kanilang bahay.

Nabatid pa sa ulat ng pulisya na dakong alas-2 ng hapon ng makarinig ng malakas na dalawang putok ang kapitbahay ng mag-asawa subalit binalewala daw nila ito.

Dakong alas-8 ng gabi nang magpasyang magpasama sa mga pulis na umuwi na lamang si Concepcion Redoble, asawa ng biktima subalit bumungad ang duguang bangkay ni Schutz. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ALEMAN

BATAY

CAMP CRAME

CEBU CITY

CONCEPCION REDOBLE

DAKONG

HEINRICH SCHUTZ

ISANG GERMAN

JOY CANTOS

KINILALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with