^

Probinsiya

Mayon volcano sumabog

-
LEGASPI CITY — Tinatayang aabot sa 10,000 residente mula sa paanan ng bulkang Mayon ang inilikas na kahapon makaraang sumabog ang may taas na 8,000 talampakan na bulkan at tinaguriang perfect cone na Mayon volcano kasabay ng sunud-sunod na pagyanig habang dumadaloy naman ang lava at makapal na usok na may taas na 3,230 talampakan mula sa bunganga ng naturang bulkan sa lalawigan ng Albay.

Nabatid sa tagapagsalita ng Phil. Institute of Volcanology ang Seismology (Philvolcs) na itinaas mula sa alert level 4 sa level 5 na ang ibig sabihin ay "a hazardous eruption is in progress".

Ang dating 6-kilometer danger zone ay ini-extend na rin sa 8-kilometer dahil sa patuloy na dumadaloy ang nagbabagang lava na posibleng maapektuhan ang bayan ng Malilipot, Albay.

Base sa ulat ng Philvolcs, dakong alas-3:17 ng madaling-araw nang makapagtala ng serye ng malalakas na pagsabog ang bulkan na umabot sa Lingon Hill Observatory na may 12-kilometro ang layo mula sa naturang bulkan.

Kasunod nito, ayon sa ulat, isang hindi nakilalang lola ang namatay dahil sa atake sa puso at isang buntis naman ang napa-anak nang wala sa panahon dahil na rin sa biglaang pagsabog ng naturang bulkan, habang isang hindi pa nakilalang lalaki na sakay ng kanyang bisikleta ang iniulat na nasawi makaraang masagasaan ng rumaragasang rescue team van.

Umabot ang ash falls sa mga Brgy. Amtic at Tambo sa Ligao City; Brgy. San Vicente, San Antonio, Quinastillojan, Bantayan, Tabuiglan at Buang sa Tabaco City.

Ang mga evacuees naman na sakay ng walong trucks ng Joint Task Force Mayon ay dinala sa evacuation center sa Gogon Elementary School, Bagumbayan at Albay Central School.

Nabatid na ang Mayon volcano ay may naitalang 47 na pagsabog mula pa noong 1616 at ang pinaka-deadliest eruption ay naganap noong 1814 na nagresulta sa pagkasawi ng may 1,200 katao na natabunan ng lava at malalaking bato. (Ulat nina Ed Casulla at Joy Cantos)

ALBAY

ALBAY CENTRAL SCHOOL

BRGY

ED CASULLA

GOGON ELEMENTARY SCHOOL

INSTITUTE OF VOLCANOLOGY

JOINT TASK FORCE MAYON

MAYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with