^

Probinsiya

Speaker Belmonte panauhing pandangal sa Bulacan

-
MALOLOS, Bulacan – Sa kabila ng isang simpleng pagdiriwang na ginanap kahapon ng umaga sa harap ng makasaysayang simbahan ng Barasoain sa bayang ito, kaugnay sa ika-103 taong anibersaryo ng Independence Day na nilahukan ng ilang mga lokal na opisyal ng lalawigan, kabilang na si House Speaker Feliciano "Sonny" Belmonte, Jr., na siyang naging panauhing pandangal sa ginawang pagtitipon.

Ang nasabing pagdiriwang ay sinimulan ganap na alas-6:30 ng umaga sa pamamagitan ng isang banal na misa, na sinundan naman ng pagtataas ng bandila na pinangunahan ni Speaker Belmonte, kaagapay si Bulacan Governor Josie dela Cruz, habang sinasabayan naman ng pagkanta ng pambansang awit.

Hinandugan din ng mga bulaklak ang bantayog ni Heneral Emilio Aguinaldo.

Sa pangwakas na bahagi ng pagdiriwang ay binigyan din ng parangal ang nasabing tagapagsalita ng mababang kapulungan ng kongreso sa pamamagitan ng pagkakaloob dito ng dalawang sertipiko ng pagkilala bilang isa sa maipagmamalaking lider ng bansa, na nakahanda ring ipaglaban ang kalayaan para sa tunay na demokrasya.

Ipinagkaloob din kay Speaker Sonny Belmonte ang tatlong aklat ng kasaysayan ng ating mga ninuno kung papaano lumaban ang mga ito na magsisilbi namang ala-ala para sa kasalukuyang panahon at sa mga susunod pang henerasyon. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

BARASOAIN

BULACAN GOVERNOR JOSIE

EFREN ALCANTARA

HENERAL EMILIO AGUINALDO

HOUSE SPEAKER FELICIANO

INDEPENDENCE DAY

SPEAKER BELMONTE

SPEAKER SONNY BELMONTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with