^

Probinsiya

Trader tinodas sa videoke bar

-
DASMARIÑAS, Cavite – Binaril at napatay ang isang negosyante ng dalawang hindi kilalang lalaki habang ito ay nasa harapan ng kanyang videoke bar kahapon ng madaling araw sa kahabaan ng Aguinaldo highway, Brgy. Salitran I ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mike Beltran, 40, may asawa, may-ari ng Gloria’s videoke bar at residente ng Block 7, Lot 22 Phase 5, Golden City Subd., Brgy. Anabu, Imus, Cavite.

Samantala ang dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo ay mabilis na tumakas sa hindi nabatid na direksyon.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Jo Patambang, may hawak ng kaso, naganap ang krimen dakong ala-1:10 ng madaling araw habang ang biktima ay tumatawag sa kanyang cellphone sa naturang lugar.

Habang ito ay tumatawag ay bigla na lamang sumulpot ang mga suspek at agad itong pinagbabaril.

Tinangay ng mga suspek sa kanilang pagtakas ang cellphone ng biktima. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

BRGY

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

GOLDEN CITY SUBD

JO PATAMBANG

MIKE BELTRAN

SALITRAN I

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with