ABB hitman nakipagbarilan sa mga pulis, todas
() - May 2, 2001 - 12:00am
Napaslang sa isang barilan ang isang pinaghihinalaang miyembro ng hit squad ng mga rebeldeng Revolutionary Proletariat Army–Alex Boncayao Brigade (RPA-ABB) matapos ang bigong pagtatangka sa buhay ng isang pulis sa naganap na insidente sa Escalante City, Negros Occidental, kamakalawa.

Kinilala ang nasawing rebelde na si Danilo Dumdum alyas Ka Abel, aktibong kasapi ng RPA-ABB na nag-o-operate sa nasabing lugar.

Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, dakong alas-8:30 ng gabi ng pagtangkaan ng suspek ang buhay ni PO2 Ricardo Cuambot subalit sumablay ito matapos na hindi tumama sa nagpapatrulyang pulis ang balang ipinutok nito sa naturang alagad ng batas.

Ayon sa imbestigasyon, ang suspek ay lulan ng motorsiklo kasama ang isa pa nitong nakatakas na kasamahan ng paputukan si Cuambot sa Rizal de Ocampo St., Escalante City, Negros Occidental.

Agad namang nagresponde ang kasamahan nitong pulis na si SPO1 Sinadjan na naninirahan malapit sa nasabing lguar at tinulungan si Cuambot sa pakikipagbarilan kay Ka Abel. (Ulat ni Joy Cantos)

ALEX BONCAYAO BRIGADE CAMP AGUINALDO CUAMBOT DANILO DUMDUM ESCALANTE CITY JOY CANTOS KA ABEL NEGROS OCCIDENTAL
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with