^

Probinsiya

3 bata todas sa tigdas

-
DAVAO CITY – Ang naganap na tigdas outbreak noong Miyerkules sa isang malayong barangay ay kumitil pa ng tatlong bata na magkakamag-anak na dumagdag sa sampu pang unang namatay.

Ayon sa city health office, ang tatlong bata mula sa Bgy. Gumitan, Marilog District ay nakilalang sina Rosalina Uyao, 7; Comiray Uyao at Wating Uyao na kapwa 1 taon gulang.

Inulat ng pamilya ng mga nasawi na ang kanilang lugar ay may 15 oras ang gugugulin sa paglalakad bago makarating sa pagamutan na siyang dahilan kaya hindi nila agad mapakunsulta sa doktor ang mga biktima kaya namatay ang mga ito.

Ang tatlong batang nasawi ay kasama na sa 10 pang bata na unang namatay sa nasabing karamdaman na pawang residente rin ng nasabing barangay.

Subalit pinabulaanan ng health office na lima lang ang kumpirmadong nasawi na ayon naman sa mga residente ng barangay na labintatlo na ang namamatay. (Ulat ni Edith Regalado)

vuukle comment

AYON

BGY

COMIRAY UYAO

EDITH REGALADO

GUMITAN

INULAT

MARILOG DISTRICT

MIYERKULES

ROSALINA UYAO

WATING UYAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with