^

Probinsiya

Holdaper na tinutugis, naghagis ng granada: sekyu todas, 30 sugatan

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Isang sekyu ang nabaril at napatay habang 30 katao ang malubhang nasugatan nang manghagis ng granada ang dalawang holdaper na tinutugis ng mga awtoridad matapos holdapin ang isang bahay sanglaan sa may Paulino St., San Pablo City kahapon ng tanghali.

Namatay habang ginagamot sa San Pablo District Hospital ang biktima na nakilalang si Ernesto Morales, bunga ng tinamo nitong tama ng mga bala sa katawan.

Kasalukuyang inaalam ng pulisya ang pangalan ng 30 sugatan na isinugod sa dalawang pagamutan.

Sa inisyal na report ng pulisya, naganap ang panghoholdap ng mga suspek dakong alas 11:00 ng tanghali sa Quick Loan Pawnshop matapos na magpanggap na mga buyer ang mga ito at agad binaril ang biktima.

Kaagad na nagresponde ang mga pulisya at hinabol ang mga suspek na tumatakas patungong Maharlika Highway.

Pinaputukan ng mga suspek ang humahabol na pulis hanggang sa hagisan ng granada na ikinasugat ng 30 katao. (Ulat ni Ed Amoroso)

vuukle comment

ED AMOROSO

ERNESTO MORALES

ISANG

KAAGAD

MAHARLIKA HIGHWAY

PAULINO ST.

QUICK LOAN PAWNSHOP

SAN PABLO CITY

SAN PABLO DISTRICT HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with