^

Probinsiya

Bagets namaril sa party: 1 patay, 1 grabe

-
SAN ANTONIO, Quezon - Nabahiran ng dugo ang pagdaraos ng isang masayang birthday party ng isang negosyante makaraang manggulo ang isang kabataan sa pamamagitan ng pamamaril sa kanyang kaaway na nagresulta sa pagkamatay ng isa at malubhang pagkasugat sa isa pa sa Barangay Puri sa bayang ito, kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Marvin Lopez, 20, samantalang nasa kritikal namang kondisyon sa Medical Center Hospital sa San Pablo City si Ramon Aguila, 20. Tinutugis ngayon ng mga awtoridad ang bumaril sa kanila na si Richard Ilao, 19, ng Barangay Puri.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon , dakong alas-2:45 ng madaling araw ay nagkakasayahan ang mga biktima at ilan pang mga bisita sa compound ng bahay ni Mr. Ricardo Dimaano dahil sa kaarawan nito.

Ilang sandali pa ang lumipas ay bigla na lamang nagkagulo dahil sa pagdating ng suspect na armado ng baril at hinanap ang dalawang biktima dahil sa matagal na nilang alitan.

Nang makita ang target ay agad na pinaulanan ng bala ng baril ang mga ito at pagkatapos ay mabilis na itong tumakas. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

AYON

BARANGAY PURI

ILANG

MARVIN LOPEZ

MEDICAL CENTER HOSPITAL

MR. RICARDO DIMAANO

RAMON AGUILA

RICHARD ILAO

SAN PABLO CITY

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with