^

Probinsiya

Trader todas sa ambush

-
CAMP OLIVAS, Pampanga – Isang mayamang negosyante ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng limang armadong kalalakihan na pinaghihinalaang miyembro ng rebeldeng Rebolusyunaryong Hukbong Bayan (RHB) matapos na tumangging magbigay ng revolutionary tax sa Barangay Sta Lucia, Sta Ana, Pampanga, kamakalawa.

Sa ulat na isinumite ng Pampanga Provincial Police Office (PPPO) kay Police Regional Office (PRO) 3 director Chief Superintendent Roberto Calinisan, kinilala ang nasawing biktima na si Anthony Yumul, 42, ng barangay Sta. Lucia sa nabanggit na lugar.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang pamamaslang ng mga rebelde sa biktima dakong alas- 7 ng gabi ng pasukin ng grupo ng una ang bahay ng huli at pagkatapos ay walang sabi-sabing pinagbabaril ito na agad nitong ikinasawi.

Matapos ang isinagawang pagpaslang sa biktima ay mabilis na nagsitakas ang mga salarin.

Bago naganap ang pamamaslang, nabatid na humihingi umano sa biktima ng halagang P100,000 bilang revolutionary tax ang mga rebelde na tinanggihan naman ng una. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

ANTHONY YUMUL

BARANGAY STA LUCIA

CHIEF SUPERINTENDENT ROBERTO CALINISAN

JEFF TOMBADO

PAMPANGA

PAMPANGA PROVINCIAL POLICE OFFICE

POLICE REGIONAL OFFICE

REBOLUSYUNARYONG HUKBONG BAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with