Jeep sumirko: 1 patay, 7 grabe
November 4, 2000 | 12:00am
STA. MARIA, Bulacan Isa ang kumpirmadong patay at pito ang malubha matapos sumirko ang kanilang sinasakyang owner-type-jeep habang binabagtas ng mga ito ang kahabaan ng Kilometer 37 sa Barangay Pulong Buhangin, bayang ito, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ng Sta. Maria police station, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-7 ng gabi. Binabagtas ng naturang owner-type jeep na may plakang DEC-442 ang nasabing daan, nang mag-overtake ito sa sinusundang Isuzu Elf na may plakang TAY-482.
At dahil sa madulas ang daan bunga ng pagbuhos ng malakas na ulan ay sumabit ang jeep sa kaliwang bahagi ng Isuzu Elf habang ito ay umo-overtake na naging dahilan naman upang ang driver nito ay mawalan ng kontrol sa manibela, hanggang sa tuluyang bumaligtad ng ilang ulit na nagresulta sa pagkamatay at malubhang pagkakasugat ng mga sakay nito.
May hinala naman ang pulisya na maaaring nanggaling sa isang inuman o kasayahan ang mga sakay ng naaksidenteng jeep, dahilan sa pawang mga amoy alak umano ang mga ito nang dalhin sa mga pagamutan.
Kinilala ang nasawi na si Nelson Sta. Ana, 36, may-asawa, ng Valenzuela City, samantalang ginagamot sa pinagdalhang mga pagamutan ang pitong nasugatan na nakilalang sina Allan Gamelo, 22; Loloy Quinones, 24; Armin Baylon, 34; Johnny Castillo, 27; Teofredo Sabelon, 41; isang nakilalang Jr. Kulot at ang driver ng nasabing jeep na si Marcelo Gabillon, 29, na napag-alamang pawang mga trabahador ng PAR Concrete Pipes Manufacturing sa nabanggit na bayan. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest