^

Probinsiya

4 katao sugatan sa ambush

-
CAMP VICENTE LIM, San Pablo City – Apat katao, kabilang dito ang isang Japanese national ang malubhang nasugatan makaraang tambangan ang mga ito ng apat na armadong kalalakihan sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay San Ignacio, San Pablo City, kamakalawa.

Sa report na nakarating sa operation center dito buhat sa San Pablo – PPO nakilala ang mga biktima na sina Romarico Gutierez, 36; Manuel Ledesma, 33; Paulino del Mundo, 40 at ang Hapones na si Jun Yamamoto, 40, tubong Sinagawa, Tokyo, Japan.

Binanggit pa sa ulat na si Yamamoto ang siya ngayong nasa kritikal na kondisyon bunga ng tinamo nitong tama ng bala sa likod.

Nakakuha ang mga imbestigador ng ibat-ibang klase ng bala sa pinangyarihan ng pananambang.

Sinabi pa sa ulat ng pulisya na lulan ang mga biktima ng isang Mitsubishi Adventure na kulay berde at may plakang WHL-438 patungong San Pablo City buhat sa Maynila nang biglang salubungin ng dalawang sasakyang kulay puti at isang berdeng Toyota Corolla sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay San Ignacio, San Pablo City dakong alas-3:30 ng hapon.

Sabay-sabay na bumaba ng sasakyan ang mga suspect at walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ng baril ang sasakyan ng mga biktima.

Inakala ng mga suspect na napatay na nila ang mga biktima kung kaya mabilis nang nagsitakas ang mga ito sa hindi malamang direksyon.

Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya para mabatid kung sino ang may kagagawan nang pananambang at kung ano ang posibleng motibo nito. (Ulat ni Ed Amoroso)

vuukle comment

BARANGAY SAN IGNACIO

ED AMOROSO

JUN YAMAMOTO

MAHARLIKA HIGHWAY

MANUEL LEDESMA

MITSUBISHI ADVENTURE

ROMARICO GUTIEREZ

SAN

SAN PABLO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with