^

Probinsiya

Ama na humalay sa anak, nag-suicide

-
PRECENTACION, Camarines Sur – Dahil sa konsensiya, isang 36-anyos na ama ang nagpakamatay sa loob ng kanyang kulungan matapos nitong gahasain ang kanyang anak sa Barangay Maangas sa bayan na ito.

Ang biktima na natagpuan na lamang na nakabitin sa loob ng toilet ng selda dakong alas-11 ng gabi ay nakilalang si Daven Mendez, may asawa, laborer at residente ng naturang lugar.

Nabatid kay SPO1 Emmanuel Avila, ang warrant officer ng Precentacion Mun. Police Station na ang biktima ay una ng nahuli ng mga awtoridad matapos na ito ay ipagharap ng reklamo nang panggagahasa ng kanyang anak na si Joyce, 12 (di tunay na pangalan).

Napag-alaman na ang ginamit ng biktima sa kanyang pagpapakamatay ay ang kanyang sariling t-shirt na itinali nito sa kanyang leeg at saka itinali sa beam ng kubeta sa loob ng kanyang kulungan.

May teorya ang mga imbestigador na hindi makayanan ng kanyang konsensiya ang ginawang pang-aabuso sa kanyang sariling anak kung kaya ito ay nagpakamatay na lamang. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY MAANGAS

CAMARINES SUR

DAHIL

DAVEN MENDEZ

ED CASULLA

EMMANUEL AVILA

KANYANG

NABATID

POLICE STATION

PRECENTACION MUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with