Bato aarestuhin kapag lumitaw sa impeachment trial
MANILA, Philippines — Handa umanong arestuhin ng Philippine National Police (PNP) si Senador Ronald “Bato” dela Rosa kung sakali na ito ay lilitaw sa gaganaping Senate impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay PNP Public Information chief Col. Allen Rae Co, tungkulin ng kapulisan na isagawa ang pag-aresto kay Senador Bato.
Bago ito, nagpalabas na ng kautusan ang Department of Justice sa PNP at National Bureau of Investigation na ipatupad ang warrant of arrest mula sa International Criminal Court laban kay Dela Rosa.
Kaugnay ito ng umano’y pagkakasangkot ng senador sa kasong crimes against humanity sa ipinatupad na war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Huling lumitaw si Dela Rosa sa Senado noong Mayo 11 matapos ang halos anim na buwang pagliban, kung saan sumali siya sa botohan upang iluklok si Sen. Alan Peter Cayetano bilang bagong lider ng Senado.
- Latest




















