Kamara hiniling sa COA na imbestigahan ang pondo ng BARMM
MANILA, Philippines — Hiniling ng House Committee on Public Accounts sa Commission on Audit (COA) na magsagawa ng imbestigasyon sa umano ay maanomalyang paggamit ng P6.4 bilyong pondo sa 2024 Local Government Support Fund (LGSF) sa panahon ng dating Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Ahod B. Ebrahim.
Sinabi pa ng committee na ang kasong ito ay nangangailangan ng tinatawag na “specialized forensic investigation beyond standard audit procedures” dahil sa posibleng mga kasong pandarambong, graft at malversation of public funds na kakaharapin ng mga dating opisyal nito.
Ang kaukulang direktiba ay nakasaad sa Committee Report No. 1502, na nagresulta sa mga isinagawang pagdinig ng committee hinggil sa sinasabing “systematic scheme to redirect public funds”.
Hinimok ng committee at COA na busisiin ang may halos P1.5 bilyon disbursement kada buwan ng panahong si Ebrahim pa ang mismong Chief Minister at Presidente ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP).
Napag-alaman sa imbestigasyon ng Mababang Kapulungan na ang P6.4 bilyon ay inilabas ng dating Chief Minister sa loob lamang ng 4 na buwan bago ang unang BARMM Parliamentary eleksyon ng Mayo 2025.
- Latest






















