^

Police Metro

Contractors sa flood control projects, kakasuhan!

Angie dela Cruz - Pang-masa
Contractors sa flood control projects, kakasuhan!
Residents wade through floodwaters along Araneta Avenue in Quezon City after monsoon rain caused massive flooding in Metro Manila on July 21.
Miguel De Guzman

Matinding pagbaha sa Metro Manila, isinisi

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan ng Lawyers and Commu­ters Safety and Protection (LCSP) na magsampa ng “class suit” laban sa mga sangkot sa maanomal­yang mga flood control projects sa bansa lalo na sa Metro Manila.

Ito ayon sa LCSP ay upang mabigyan ng hustisya ang kahirapan, abala, at perwisyo sa mga motorista at pasahero ng mga pagbaha dahil sa umanoy  malawakang Korapsyon sa mga flood control projects na nag­resulta sa bilyong pisong “ghosts projects”.

“Kapag may matin­ding baha ay damang- dama ng mga motorista at commuters ang epekto nito. Kapag baha lalong tumitindi ang trapik. Mara­ming sasakyan na inabutan ng baha sa kalsada, ito ay nasisira kaya’t gastos na katakutakot sa mga motorista at kapag nawala ang baha ay sira-sira naman ang mga kalsada at ga-palangganang mga butas naman ang daraanan kahit wala ng baha.”ayon kay Atty Ariel Inton, founder ng LCSP.

Anya kalbaryo rin sa mga commuters ang sobrang hirap nang pagsakay at ma-Stranded sa mga kalsada at  maari pang mag kasakit ng leptospirosis ‘pag minalas malas pa.

“ Kontraktor man o opisyal ng pamahalaan dapat sila managot sa mga motorista at mananakay”.sabi ni Inton.

LCSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with