^

Police Metro

DA, handa sa banta ng Anthrax

Doris Franche-Borja - Pang-masa
DA, handa sa banta ng Anthrax
Spores of the anthrax bacteria (Bacillus anthracis).
US CDC

MANILA, Philippines — Nakahanda na ang mga hakbang ng Department of Agriculture para maiwasan ang banta ng anthrax sa bansa.

Kasunod ito ng napaulat na anthrax outbreak sa ilang bansa katulad ng Laos na dulot ng isang uri ng bacteria na nabubuo mula sa isang “spore” na tinatawag na Bacillus anthracis.

Kadalasang tinatamaan nito ay mga ruminant gaya ng mga kalabaw, baka at mga kambing.

Ayon kay DA Asec. Constante de Jesus Palabrica, walang dapat ikaalarma dahil handa ang Bureau of Animal Industry rito.

Katunayan, mayroon aniyang locally made na bakuna at may sariling laboratoryo din aniya ang BAI na agad mapapakilos para maiwasang kumalat ang sakit sa livestock sector sa bansa.

Hindi rin aniya ito tulad ng ASF na madaling makahawa.

Sa Pilipinas naman, may mga una nang naiulat noong kaso ng anthrax na agad din namang nakontrol.

vuukle comment

ANTHRAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with