^

Police Metro

Binata kinatay ng ex-lover ng nobya

Doris Franche - Pang-masa
Binata kinatay ng ex-lover ng nobya
Kinilala ang nasawi na si Gabriel Dantes Dela Cruz, 24, tubong Sitio Tulo, Pangascasan, Bugallon, Pangasinan habang pinag­hahanap naman ang suspek na si Jay Anino Leonardo, alyas Jay Mandate, 37, construction worker at nani­nirahan sa No. 8 Maligaya Extension, Nitang Avenue, Barangay Gulod, Novaliches, ­Quezon City.
STAR/File

Dahil sa selos

MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang 24-anyos binata matapos pagsasaksakin ng da­ting lover ng kanyang nobya, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Kinilala ang nasawi na si Gabriel Dantes  Dela Cruz, 24, tubong Sitio Tulo,  Pangascasan, Bugallon, Pangasinan  habang pinag­hahanap naman ang  suspek na si Jay Anino Leonardo, alyas Jay Mandate, 37, construction worker at nani­nirahan sa No. 8 Maligaya Extension, Nitang Avenue, Barangay Gulod, Novaliches, ­Quezon City.

Sa pagsisiyasat ng ­Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nangyari ang krimen, alas-11:25 ng gabi sa bahay ng biktima.

Nabatid na dating mag­live in partner ang suspek at ang nobya ng biktima na si Maricris Guingab Trinidad.

Natutulog ang biktima at si Trinidad sa nasabing address nang dumating ang suspek.

Pinagbuksan ng pinto ni Trinidad ang suspek at walang sabi-sabing inundayan ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Sa kabila ng mga saksak sa katawan, nagawang makatakbo ng biktima, su­balit hinabol pa rin ito ng suspek sa labas ng bahay gamit ang screw driver sa pananaksak.

Malaki ang hinala ng pulisya na sobrang selos umano ang nag-udyok sa suspek para patayin ang biktima upang magkasama muli sila ng dating nobya.

Nahaharap sa kasong murder ang suspek na nga­yon ay nasa ilalim ng manhunt operation.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with