^

Police Metro

Instant noodles, ligtas sa taas-buwis

Pang-masa
Instant noodles, ligtas sa taas-buwis
This photo illustration shows a man buying instant noodles made by local instant noodle firm Monde Nissin at a village convenience store in suburban Manila on October 11, 2015.
AFP / Jay Directo

MANILA, Philippines — Hindi kasama ang instant noodles sa mga pagkaing maaalat o mataas ang sodium content na papatawan ng mas mataas na buwis.

“If you’re thinking of the noodles, ‘yun talaga salty ‘yun. That’s 60% sodium [content]. Hindi naman iko-cover ‘yun. ‘Yun ang talagang [para] sa mga mahihirap,” paliwanag ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa press briefing.

Karaniwang umaabot sa1,500 milligrams (mg) hanggang 2,000 mg ang sodium sa isang pack instant noodles na madalas pinagsasaluhan ng mga mahihirap na pamilya.

Gayunman, inirerekomenda ng mga eksperto na 2,300 mg lang sa isang araw ang sodium na dapat makonsumo ng mga tao. Ang labis na sodium ay may masamang epekto sa katawan, tulad sa kidney o bato.

Nitong nakaraang linggo, sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na isusulong ng administras­yong Marcos ang pagpasa ng bagong tax measures sa taong ito. Kabilang dito ang mas mataas na buwis sa sweetened beverages at junk food na may epekto sa kalusugan ng tao.

Ayon kay Diokno, makikipag-ugnayan ang DOF sa National Nutrition Council at Department of Health para sa listahan ng mga pagkain o pre-packaged food na dapat patawan ng mas mataas na buwis.

Kabilang sa plano ng DOF ang magpataw ng P10 per 100 grams o P10 per 100 milliliters tax sa pre-packaged foods na walang nutritional value, tulad ng confectioneries, snacks, desserts, at frozen confectioneries na higit sa specified thresholds ng DOH para sa fat, salt, at sugar content.

Tinataya ni Diokno na ang naturang hakbang sa dagdag-buwis sa junk food at sweetened beverage ay magbubunga ng karagdagang P76 bilyong kita sa unang taon ng implementasyon.

Inaasahan din na mababawas ng 21 porsiyento ang mga kumokonsumo ng junk food.

vuukle comment

INSTANT NOODLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with