^

Police Metro

50 kabahayan winasak ng buhawi

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 50 kabahayan ang winasak ng buhawi sa magkakahiwalay na lugar sa  bayan ng Oton, Iloilo at Iloilo City kung saan dalawa katao ang sinasabing sugatan kahapon ng umaga.

Sa imbestigasyon, alas-5:00 ng umaga nang mabag­sakan ng puno ang bahay ng maglola na sina Vilma Villarete 63 at 9-anyos na apo sa Brgy. Sta. Cruz,  Arevalo, Iloilo nang dumaan ang buhawi sa kanilang lugar at tinamaan ang bahay na gawa sa light materials.

Sa datos ng  Iloilo City Social Welfare Office, 39 na bahay ang nasira sa buhawi kung saan 21 sa Brgy. Sto. Domingo at 18 naman sa Brgy. Sta. Cruz.

Ayon pa sa ulat, dala­wang residente ang nagtamo ng sugat nang mabag­sakan ng puno ng mangga ang kanilang bahay.

Natumba rin ang mga poste sa dalawang barangay.

Sa bayan ng Oton, 15 bahay sa Brgy. Alegre ang nasira at ilang puno ang pinabagsak ng buhawi.

Inaalam umano ng mga otoridad ang kabuuang bilang ng mga apektadong bahay at ha­laga ng nasirang ari-arian.

vuukle comment

HURRICANE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with