^

Police Metro

Ex-senator at Manila mayor Alfredo Lim patay na

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay na ang tinaguriang “Dirty Harry” ng Pilipinas na si dating senator at Manila mayor Alfredo Siojo Lim sa edad na 90 kahapon

Kinumpirma ng kanyang anak na si Cynthia Lim ang pagkamatay ng dating senador na dati ring nagsilbi sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaan.

Nabatid na sa Intensive Care Unit (ICU) ng Manila Doctor’s Hospital tuluyang bumigay si Lim dakong alas 4:57 ng hapon kahapon dahil umano sa pneumonia pero unang iniulat na positibo siya coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Naka-confined umano si Lim sa nasabing ospital at kahapon ay inilipat sa ICU kung saan siya nai­deklarang patay.

Si Lim na isang retired general ng Philippine National Police (PNP) na huling umupo bilang director ng Western Police District (ngayo’y Manila Police District). Naging NBI director din at nahalal na mayor ng Maynila noong 1992 hanggang 1998 hanggang sa naihalal muli bilang alkalde at nagsilbi mula 2007 hanggang 2013. Naging senador siya noong 2004 hanggang 2007.

vuukle comment

ALFREDO LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with