^

Police Metro

Piskal ng Manila RTC, todas sa ambush

Danilo Garcia - Pang-masa
Piskal ng Manila RTC, todas sa ambush
Sinisiyasat ng SOCO ng Manila Police District ang bangkay ng biktimang si Jovencio Senados, 62, chief inquest ng Manila RTC na pinagbabaril sa kanyang kotse sa naganap na ambush kahapon ng umaga sa kahabaan ng Quirino Avenue kanto ng Anakbayan, Paco, Maynila.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang chief inquest prosecutor ng Manila Regional Trial Court (RTC) nang pagbabarilin habang sakay ng kanyang kotse ng hindi pa nakikilang suspek sa Quirino Highway, Paco, Maynila, kahapon ng umaga.

Ang nasawi ay kinila­lang si Prosecutor Jovencio Senados, 62, nakatira sa Villa Palao, Calamba, Laguna. Hindi naman ginalaw ng mga suspek ang tsuper ni Senados na hindi muna kinilala ng pulisya.

Sa inisyal na ulat, bago naganap ang pananambang , alas-11:05 ng umaga sa panulukan ng Quirino Highway at Anakbayan St. sa Paco ay binabagtas ng kotse ng biktima  ang Quirino Highway para pumasok sa serbisyo sa Manila Hall of Justice nang dikitan ang kaniyang kotse ng itim na sports utility vehicle (SUV)  lulan ang mga hindi nakilalang salarin at pinagbabaril.

Agad na ipinag-utos ni MPD Director P/Brig.General Rolando Miranda ang dragnet operation para sa ikadarakip ng mga salarin.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya para mabatid ang motibo sa pamamaslang kabilang ang pag-alam kung may kinalaman ito sa mga hinahawakan o hinawakang kaso ni Senados.

Patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng pamamaslang na posibleng may kinalaman sa hinahawakan nitong mga kaso.

Sinabi naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na inutusan na niya ang National Bureau of Investigation upang imbestigahan ang insidente.

vuukle comment

AMBUSH

MANILA RTC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with