^

Police Metro

Crame ni-lockdown ng HPG

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Agad na inatasan ni Philippine National Police Chief General (PNP) Archie Gamboa si P/Brig. Eliseo Cruz, hepe ng Highway Patrol Group (HPG) na i-lockdown ang Kampo Crame matapos na makarating sa kanyang kaalaman na mayroong mga pulis na gumagamit ng mga hot car na kanilang mga narerekober sa ­operasyon.

Napag-alaman na sa tuwing may lalabas na mga sasakyan o may papasok na sasakyan ay iinspekyunin ang mga ito at titignan ang OR/CR o mga dokumento kung sa kanila ang gamit na sasakyan.

Ayon kay Gamboa, mahigpit na pinagbabawal ang paggamit ng mga sasakyan na narekober o mga ebidensya at dapat na managot ang sinumang gumagawa nito.

Sinasabi na nakarating sa kaalaman ni Gamboa, na mayroong mga pulis at opisyal na gumagamit umano ng narekober na sasakyan kapag nagustuhan nila ito.

Sinabi ni Gamboa na wala siyang sasantuhin kung sinuman ang mahuhuli na gumamit ng hot car at kanya niya itong pananagutin at kakasuhan. 

vuukle comment

CRAME

LOCKDOWN

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with