^

Police Metro

Mag-lover pinagtataga ng lasing

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang isang 39-anyos na lalaki habang sugatan ang kanyang kinakasama matapos silang pagtatagain ng isang lasing  sa Zone-4, Brgy. Tinangis, Pili, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Namatay noon din dahil sa mga taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Marcelo Basquiña Montañez, magsasaka habang sugatang isinugod sa Bicol Medical Center sa Naga City ang kinakasamang si Marilou Merciales, 42, pawang residente ng Zone-6 ng nasabing barangay.

Tinutugis na ng mga pulis ang tumakas na suspek na si Alex Paunat Isidro, 38.

Sa ulat, bago naganap ang insidente ay dumalaw ang mag-live-in partner sa bahay ng kapatid ni Montañez at pagsapit ng alas-9:30 ng gabi ay nagpaalam na uuwi na ang dalawa nang biglang dumating ang lasing na suspek na armado ng itak.

Sa hindi malamang dahilan, biglang pinagtataga ng suspek ang mga biktima  kung saan napuruhan ng mga taga sa katawan si Montañez na agad nitong ikinasawi.

vuukle comment

LASING

TAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with